DOH: Mas maraming kabataang Pilipino, nagkakaroon ng cardiovascular diseases

DOH: Mas maraming kabataang Pilipino, nagkakaroon ng cardiovascular diseases

NANANATILING nangunguna ang cardiovascular diseases (CVD) sa dahilan ng kamatayan ng maraming Pilipino ayon kay Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang cardiovascular disease ay bahagi ng mas malaking grupo ng noncommunicable diseases (NCDs), na bumubuo sa 72% ng mga naitatalang namamatay sa bansa noong 2021.

“Cardiovascular diseases remains to be the leading cause mortality here in our country the Philippines accounting for a third of all deaths in the country. In 2021 the top two leading cause of deaths were both cardiovascular diseases, ischemic heart diseases, cerebrum vascular diseases,” pahayag ni Vergeire.

Dagdag pa ng opisyal, marami rin sa mga kabataan ang may developing cardiovascular diseases  kung saan kabilang sa naging risk factors nito ang paninigarilyo, alcohol consumption, poor eating habits, at sedentary lifestyle.

Saad ni Vergeire, 36 percent ng mga Pilipino edad 20 pataas ay obese at 20 percent ay smokers, batay sa survey.

Ibinahagi rin ng health official na malaking banta rin ang COVID-19 sa kalusugan at buhay ng mga taong may noncommunicable diseases.

Ito’y dahil mas vulnerable ang mga ito sa malubhang sakit o kamatayan.

“On top of this, cardiovascular disease are linked to COVID-19 being one of the commorbidities that may lead to severe and critical cases. Hence efforts to promote heart health should be strenghten which will ultimately contribute to our efforts in mitigating COVID-19,” ayon kay Vergeire.

Base naman sa ulat ng WHO, ang health care delivery sa kasagsagan ng pandemya ay nag-shift sa paglikha ng mas maraming kapasidad para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ang naging resulta, walang naging gaanong available na magagamit na serbisyo sa kalusugan at komunidad para sa may noncommunicable diseases.

Ang hypertension ay tinukoy bilang isa sa ‘strongest risk factors’  para sa cardiovascular diseases at iba pang noncommunicable diseases.

Kaya naman, target ngayon ng pamahalaan na mapababa pa sa 25%  ang premature deaths mula sa cardiovascular diseases na dala ng hypertension pagdating ng 2025.

“The Philippine government has committed to a 25% relative reduction in the prevalence of hypertension by 2025 as stipulated in our multisectoral action plan for the prevention and control of NCDs 2015 to 2025,” ani Vergeire.

Bilang tugon sa usaping ito, ang World Health Organization (WHO) kasama ang financial at technical support mula sa Resolve to Save Lives (RTSL), ay kasalukuyang sumusuporta sa Philippine Government para makamit ang target sa pamamagitan ng inilunsad noong 2018 na Healthy Hearts Project (HHP).

Sa katunayan, ang naturang proyekto ay kasalukuyang iniimplementa na sa ilang local government units sa Western Visayas na may target na mabawasan ang premature mortality at morbidity dahil sa cardiovascular diseases.

At ngayon, napili ng WHO ang Iloilo na magho-host ng pinakaunang World Heart Day 2022 sa Pilipinas ngayong araw, Setyembre 29.

“In effort to control hypertension which you’ve heard one of the leading causes of death and it’s preventable and here in the Philippines we have this very exciting program the Healthy Hearts program based in Iloilo province,” pahayag ni Dr. Andrew Moran, Director, Global Hypertension Control, Resolve to Save Lives.

Nitong Miyerkules, nag-organisa ang DOH kasama ang partner agencies at organization ng “Heart Care Summit 2022: Preventing and Beating Cardiovascular Diseases.”

Layon ng naturang summit na i-highlight ang mga kailangang agarang aksyon para maiwasan ang maagang pagkamatay na dulot ng cardiovascular diseases (CVDs) at itaguyod ang kapakanan ng mga taong apektado ng noncommunicable diseases (NCDs).

Nangako ang DOH, kasama ang WHO at grupong Resolve to Save Lives (RTSL) at World Heart Federation (WHF) na patatagin pa ng mga ito ang ugnayan para sa mga programa kontra cardiovascular diseases.

Nangako rin ang DOH na palakasin ang healthcare system at primary care services laban sa cardiovascular diseases.

Follow SMNI NEWS in Twitter