IPINAALALA ngayon ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat sa pagbiyahe ngayong Pasko at sa iba pang year-end celebrations.
Isa na rito ang tingnan kung may sapat na baterya, ilaw, oil, gas, at tubig o gumagana ba nang maayos ang brake, ang makina, at ang gulong ng mga sasakyan.
Iwasan din ani DOH Officer-in-Charge Usec. Gloria Balboa na magmaneho kung nakainom, puyat o pagod para hindi maaksidente.
Huwag din aniya mag-cellphone at magti-text kung nagmamaneho.