DOH, muling humiling ng P1.23B para sa SRA ng mga health worker

DOH, muling humiling ng P1.23B para sa SRA ng mga health worker

MULING humiling ang Department of Health (DOH) ng karagdagang P1.23 billion para mapondohan ang Special Risk Allowance (SRA) ng mga health workers.

Ito ang inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III sa taped meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang cabinet member na iniere ngayong umaga.

Ayon kay Duque, hiniling ng DOH ang nasabing halaga mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa ngayon, sinabi ng kalihim na P15.1 billion na ng mga benepisyo para sa health workers ang na-release kasama ang SRA, hazard duty pay, meal/accommodation/transportation (MAT) allowance at life insurance.

Gayundin, sinabi ng DOH chief na bukod sa P15 billion, P822 milyong halaga ng SRA ang nailabas na sa ilalim ng batch 3 habang isinasagawa na ang pag-release ng P6 milyong halaga ng SRA sa ilalim ng batch 4.

Matatandaang makailang beses ng nagprotesta ang mga health worker dahil sa delay na pag-release ng SRA at ng MAT benefits sa gitna ng COVID-19 pandemic.

SMNI NEWS