DOH, muling nagbabala laban sa banta ng dengue at leptospirosis ngayong tag-ulan

DOH, muling nagbabala laban sa banta ng dengue at leptospirosis ngayong tag-ulan

Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa banta ng sakit na na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Ang sakit na leptospiros ay dulot ng Leptospira bacteria na nakukuha mula sa ihi ng mga infected na hayop na maaring makakontamina ang lupa at tubig.

Kadalasang nakukuha ang sakit na Leptos sa mga tubig baha.

Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, panginginig, pananakit ng ulo at katawan, pagtatae, pamamantal, paninilaw ng bala at kapag ito ay hindi naagapan maari itong makapinsala sa bato, utak at atay.

Samantala, babala din ng DOH na naglilipina ang mga lamok tuwing tag-ulan kabilan na ang Aedes Aegypti na nagdadala ng Dengue.

Ang Dengue ay isang impeksyon na dala ng kagat ng babaeng lamok.

Ilan sa mga sintomas nito ay biglaang pagkakaron ng mataas na lagnat na tumatagal ng 2-7 araw, sakit sa kasukasuan at kalamnan, panghihina, rashes sa katawan, pagdurugo ng ilong, pagsusuk at pagtatae na may kasamang dugo.

Ayon sa ahensya, kapag nakitaan ng sintomas ng leptos at dengue, agad na  magpakonsulta sa doktor.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter