NAKATANGGAP ang Department of Health (DOH) ng P4.8-M na halaga ng Emergency Operation Center (EOC) Information Communications Technology (ICT) equipment mula sa European Union (EU) at World Health Organization (WHO) Philippines.
Bahagi anila ito sa €20-M na South East Asia Health Pandemic Response and Preparedness Program ng WHO at ASEAN Secretariat.
Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, ang nabanggit na donasyon ay susi upang mas mapaganda ang serbisyo ng DOH hinggil sa public health emergencies.
Ilalagay naman ang nabanggit na equipment sa East Avenue Medical Center at Centers for Health Development sa Central Luzon, Central Visayas, at Davao.