MULING pinaaalahanan ng Department of Health (DOH) na mas pagbutihin ang paglilinis ng mga kapaligiran nito upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok na may dala ng dengue virus.
Iginiit ni Health Undersecretary Eric Tayag na maaaring mapigilan ng mga tao ang dengue sa pamamagitan ng paglilinis kung saan maaaring magpadami ang mga lamok.
Base sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala na ang bansa ng 51,323 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang May 20.
Mas mataas ito ng 30 porsiyento kumpara sa bilang na naitala noong nakaraang taon.