DOH nagbabala: Posibleng pagtaas ng dengue, leptospirosis, at iba pang sakit tuwing tag-ulan

DOH nagbabala: Posibleng pagtaas ng dengue, leptospirosis, at iba pang sakit tuwing tag-ulan

SA gitna ng sunod-sunod na pag-ulan, nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagtaas ng mga sakit na karaniwang sumisipa sa panahon ng tag-ulan—gaya ng dengue, leptospirosis, at iba pang water-borne diseases.

Tinukoy ng DOH ang pagtaas ng mga tinatawag na W.I.L.D. diseases—o ang dengue, leptospirosis, influenza-like illnesses, at water-borne diseases—na anila’y nagsisimula nang magparamdam habang bumubuhos ang ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pinakahuling datos ng kagawaran, tumaas ng 8% ang kaso ng leptospirosis, na ngayon ay may kabuuang 422 cases.

Ang dengue cases naman ay lumobo ng 6% sa buwan ng Mayo, may 6,217 kaso na naitala mula Mayo 11 hanggang 24.

Patuloy rin ang pagtaas ng influenza-like illnesses, dulot ng pabago-bagong klima.

Paalala ng DOH, maging masigasig sa personal hygiene at iwasan ang paglusong sa baha o stagnant water na posibleng pinamumugaran ng bacteria at lamok.
Inirerekomenda rin ang flu vaccination, lalo na sa mga bata, senior citizens, at immunocompromised individuals.

Ngayong panahon ng tag-ulan, paalala ng mga eksperto—kalinisan ang unang proteksiyon.

Ugaliing linisin ang paligid, itapon ang mga sisidlang posibleng pamugaran ng lamok, at huwag ipagwalang-bahala ang sintomas ng sakit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble