DOH, nagbabala sa publiko laban sa mga karaniwang sakit sa dry season

DOH, nagbabala sa publiko laban sa mga karaniwang sakit sa dry season

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga karaniwang sakit na maaaring makuha tuwing panahon ng tag-init.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Ma. Rosario Vergeire, kabilang sa mga sakit na ito ay heat stroke, dehydration at sore eyes.

Ugaliin din ang pagkakaroon ng magandang pesonal hygiene para maiwasan ang skin diseases.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na magdala ng tubig tuwing lumalabas upang mapanatiling hydrated at proteksiyon laban sa init gaya ng sombrero, payong at magsuot lamang ng manipis.

Follow SMNI NEWS in Twitter