DOH naglunsad ng Patient Appointment System sa San Lazaro Hospital para sa mga may HIV

DOH naglunsad ng Patient Appointment System sa San Lazaro Hospital para sa mga may HIV

Manila, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Patient Appointment System (PAS) sa San Lazaro Hospital upang mapadali ang pagkuha ng Antiretroviral Treatment (ART) para sa mga taong may HIV (PLHIV).

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng DOH upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang PAS ay layuning bawasan ang oras ng paghihintay at gawing mas maayos ang daloy ng mga pasyente sa ospital.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring mag-schedule ang mga PLHIV ng kanilang ART refill nang hindi na kailangang maghintay ng matagal. Ito ay isang hakbang patungo sa mas episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa mga apektado ng HIV.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter