DOH, nagtalaga ng eksklusibong ospital na hahawak sa mga pasyente ng COVID-19

NAGTALAGA na ang Department of Health (DOH) ng mga ospital na ekslusibong hahawak sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinalaga bilang medical facilities ng mga COVID-19 patient ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.

Sinabi rin ni Vergeire sa pulong balitaan ng laging handa, maging ang UP Philippine General Hospital ay hahawak na rin ng mga COVID-19 patient.

Samantala, tiniyak ni Usec. Vergeire na nasa stable na kondisyon si Health Sec. Francisco Duque na naka-home quarantine ngayon.

Dagdag pa ng opisyal na ginawa ang home quarantine at pagsuri para sa COVID-19 sa kalihim para masigurado na wala itong sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.