DOH, nais punan ang 4,500 na bakanteng nursing position sa pamahalaan

DOH, nais punan ang 4,500 na bakanteng nursing position sa pamahalaan

NAIS ni Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa na punan ang nasa 4,500 na bakanteng position para sa mga nurse sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito na makapasa sa board exams.

Sinabi ni Herbosa na tanging kalahati lamang ng mga nasa nursing board exam takers ang nakakapasa sa qualifying test ng pamahalaan at ang ilan sa mga bumabagsak ay lumilipat na lamang ng ibang career.

Ani Herbosa, tatanungin niya ang Professional Regulatory Commission na magbigay ng pansamantalang lisensya sa mga hindi nakapasa sa board exams upang makuha ang mga ito ng mga public hospital.

Paliwanag ni Herbosa, para ito sa mga nakapagtapos ng nursing ngunit walang trabaho at walang pambayad ng board review kung kaya’t mas mainam aniya na pagtrabahuhin muna ito bilang nurse at sigurado siyang makakapasa na ang mga ito ng board exams.

Sinabi rin ni Herbosa na may ilang private sector representative na ang nag-alok ng sponsoran ang nursing board exam review ng mga nursing graduates na nagkakahalaga ng nasa 25,000 pesos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter