DOH, naitala ang kumpirmadong kaso ng walking pneumonia ngayong taon

DOH, naitala ang kumpirmadong kaso ng walking pneumonia ngayong taon

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng apat na kumpirmadong kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa DOH, ang tig-iisang kaso ng mycoplasma pneumonia ay naitala noong Enero at Hulyo, ang dalawang kaso noong Setyembre.

Naitala ang mga naturang kaso kasama ng mga influenza like illness sa bansa.

Una nang sinabi ni DOH Sec. Ted Herbosa na walang outbreak ng walking pneumonia sa bansa sa gitna ng tumataas na kaso nito kung saan dati na itong natukoy sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble