DOH, nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

DOH, nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,124 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Mayo 2 hanggang Mayo 8, 2022.

Ayon sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 161 na mas mababa ng 20 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 25 hanggang Mayo 1.

Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 42 na pumanaw kung saan walo ay naganap noong Abril 25 hanggang May 8.

Noong Mayo 8, mayroong 611 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,817 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 474 (16.8%) ang okupado habang 15.4% ng 23,818 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Follow SMNI NEWS on Twitter