DOH nakapagtala ng fireworks-related incident bago ang New Year

DOH nakapagtala ng fireworks-related incident bago ang New Year

PATULOY na pinaiiwas ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paggamit ng paputok sa pagdiriwang ng bagong taon para iwas-disgrasya.

Nitong Disyembre 24, nakapagtala ng isang kaso ng fireworks related injury ang DOH mula sa 61 na DOH hospitals.

Sa kasalukuyan, 5 na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok yaong naitala ng ahensya ilang araw bago ang New Year.

Ito ay 50% na mas mababa kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa.

Patuloy ang paalala ng DOH na umiwas sa paggamit ng paputok para sa ligtas na pagdiriwang ng bagong taon.

Sa halip aniya na firecrackers, mas ligtas na gamitin ang loudspeaker, tambol at kaldero para sa paggawa ng ingay sa New Year.

Pagdating naman sa fireworks, ayon sa DOH, mas maganda at ligtas ang paggamit glow stick para sa gusto ninyong New Year glow.

Matatandaan na noong taong 2020 at 2021 nakapagtala ng mahigit 300 fireworks related injuries dahil sa paggamit ng paputok.

Sinabi ng DOH, na naka-heightened alert ang ahensya at nakatakda itong mag-ikot sa mga DOH hospital para tiyakin ang kahandaan ng mga ito sa oras ng emegergency.

Follow SMNI NEWS in Twitter