DOH, nakapagtala ng karagdagang 2, 965 na kumpirmadong kaso ng COVID-19

DOH, nakapagtala ng karagdagang 2, 965 na kumpirmadong kaso ng COVID-19

NADAGDAGAN pa ng 2,965 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon araw ng Martes.

Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 197,164 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa Department of Health, pinakamaraming naitalang bagong kaso ay sa National Capital Region na may 1,575.

Sinundan ito ng Negros Occidental na may 237, Laguna na may 151, Cavite na may 129 at Batangas na may 95.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 61,730 naman ang naitalang active cases.

Umabot naman sa 132,396 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 368.

Nasa 3,038 naman ang bilang mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 34 new deaths.

Sinabi ng DOH na 53 na mga kaso ang inalis mula sa total case count matapos ang beripikasyon.

Overseas Filipino na nagpositibo sa COVID-19, nasa 10,028

Samantala, nasa 10,028 ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 25 na bagong kaso ng coronavirus sa mga Pilipino na nasa America, ASIA and the Pacific at Middle East.

Sa datos ng DFA hanggang ngayong araw, Agosto 25, sa kabuuang bilang ng confirmed cases ay 3,257 ang patuloy na nagpapagamot.

Nasa 6,029 naman ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 15 new recoveries.

Habang nananatili sa 742 na ang death toll.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 6,949 na kaso.

Sinundan ito ng EUROPE na may 1,158 overseas filipino na may COVID-19: Asia Pacific Region na may 1,126 cases habang 795 sa Amerika.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.