DOH, nakapagtala ng karagdagang 1,524 na bagong kaso ng COVID-19

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,524 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito, pumalo na sa 491,258 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa hanggang ngayong Martes, Enero 12, 2021.

Ayon sa DOH, ang top 5 areas o probinsiya na may pinakamataas na bagong kaso ay ang Davao City na may 137; Quezon City na may 109; Rizal na may 92; Davao del Norte na may 53 at Cebu City na may 51.

Samantala, pumalo na sa 93.3 percent o 458,172 ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa habang 1.94 percent o 9,554 ang total ng namatay.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 44 na mga pasyente na gumaling at 139 na bagong namatay.

Habang mayroon namang 23,532 ang aktibong kaso kung saan 85.1% ang mild, 5.5 ang asymptomatic, 5.7% ang critical, 3.2% ang severe at 0.54% ang moderate.

Overseas Filipino na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 12,446

Pumalo na sa 13,056 ang bilang ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 32 na bagong kaso ng COVID-19 infections hanggang ngayong Martes, Enero 12.

Ayon sa DFA, sa nasabing confirmed cases ay nasa 3,633 overseas Filipino ang patuloy na ginagamot.

Nasa 8,488 naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit habang nanatili sa 935 ang bilang ng mga nasawi.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 7,716 na kaso.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 2,722 cases, Europe na may 1,830 habang 788 naman ang kaso sa Amerika

SMNI NEWS