DOH, nakapagtala ng karagdagang 2,052 na bagong kaso ng COVID-19

UMABOT sa 2,052 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Sa huling datos ng ahensiya ngayong Lunes, Enero 11, 2021, pumalo na sa 489,736 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Ang limang lugar na may pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus ay ang Davao City na may 140; Quezon City na may 93; Cavite na may 87; Laguna na may 83 at Maynila na may 67 na new cases.

Samantala, pumalo na sa 92.6 percent o 458,206 ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa habang 1.92 percent o 9,416 ang total ng namatay.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng sampu na mga pasyente na gumaling at 11 na bagong namatay.

Habang mayroon namang 22,114 ang aktibong kaso kung saan 84.3% ang mild, 5.6 ang asymptomatic, 6.2% ang critical, 3.4% ang severe at 0.58% ang moderate.

Overseas Filipino na tinamaan ng COVID-19, nasa 13,022 na

Pumalo na sa 13,022 ang bilang ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng apat na bagong COVID-19 infections.

Sa datos ng DFA hanggang ngayong araw, Enero 11, nasa 3,626 ang patuloy na ginagamot na mga overseas Filipino.

Nasa 8,461 naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit habang nasa 935 na ang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng isa.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 7,716 na kaso.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 2,710 cases, Europe na may 1,809 habang 787 naman ang kaso sa Amerika.

SMNI NEWS