PUMALO na sa 509,887 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa hanggang ngayong Biyernes, Enero 22, 2021.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,178 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang top 5 areas o probinsiya na may pinakamataas na bagong kaso ay ang Quezon City na may 148; Bulacan na may 88; Cebu City na may 80; Davao City na may 79 at Mountain Province na may 75.
Samantala, pumalo na sa 91.7 percent o 467,720 ang mga gumaling sa COVID-19 sa bansa habang 1.99 percent o 10,136 ang total ng nasawi.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 250 na mga pasyente na gumaling at 20 na bagong nasawi.
Habang mayroon namang 32,031 na aktibong kaso kung saan 83.6% ang mild, 9.5% ang asymptomatic, 4.1% ang critical, 2.3% ang severe at 0.42% ang moderate.