DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 na karagdagang kaso ng BA.5 subvariant sa bansa

DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 na karagdagang kaso ng BA.5 subvariant sa bansa

NADAGDAGAN pa ng 1,015 ang kaso ng COVID-19 Omicron BA.5 subvariant sa Pilipinas.
Ito ay matapos ma-detect ang variant sa tatlong returning overseas Filipino at sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Region 9 at 10.
Sa media briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 527 sa mga tinamaan ay fully vaccinated na laban sa COVID-19, 12 ang partially vaccinated, 16 ay hindi pa nababakunahan habang beneperipika pa ang vaccination status ng natitirang 460 na indibidwal.
Ayon kay Vergeire, 883 dito ay tagged as recovered na, 84 ang sumasailalim pa sa isolation habang kinukumpirma pa ang outcome ng natitirang 48 na kaso.
Samantala, kinumpirma rin ng DOH ang 2 kaso ng emerging Omicron subvariant BA.2.75 na na-detect sa Region 6.
Sinabi ni Vergeire na nakarekober na ang 2 pasyente kung saan isa dito ay partially vaccinated at ang isa ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Sa ngayon, beneperipika pa ang exposure, travel histories at health status ng mga nagpositibo sa BA.5 at BA.2.75.