NAKAPAGTALA ng 12,426 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa simula May 15 – 21.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,775.
Ayon sa Department of Health (DOH) mas mataas ng 0.1% percent ang mga kaso ngayon kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 8 – 14.
Sa mga bagong kaso, 87 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 13 na pumanaw kung saan 1 ay naganap noong Mayo 8 – 21.