DOH nakapagtala ng mahigit 200 malubha sa COVID-19

DOH nakapagtala ng mahigit 200 malubha sa COVID-19

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) noong Agosto 29, 2023 ng 240 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa mga bagong kaso naman, 13 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang anim na pumanaw na naganap noong Agosto 14 hanggang 27.

Mula Agosto 21 hanggang 27, 801 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 114 na mas mataas ng 2 porsiyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 14 hanggang 20.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter