DOH, nakapagtala ng mahigit 40, 000 na nakarekober sa COVID-19

DOH, nakapagtala ng mahigit 40, 000 na nakarekober sa COVID-19

NADAGDAGAN ng 40, 397 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, tumaas na sa 112, 586 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

 

Ayon sa DOH, ang mataas na bilang ng mga gumaling ay dulot ng Oplan Recovery kung saan itinuturing na recoveries ang mild o asymptomatic COVID-19 patients na nakakumpleto  na sa 14 na araw ng isolation.

Nadagdagan naman ng 65 ang mga nasawi dahilan upang umakyat pa sa 2, ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, umabot na sa 161, 253 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa matapos madagddagan ng 3, 420.

Nasa 46, 002 naman ang aktibong kaso.

Bagong community quarantine classification, iaanunsiyo ngayong araw

Samantala, nakatakdang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging community quarantine classification ngayong araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinumite na ang mga quarantine recommendations para sa lahat ng mga probinsya at siyudad kaugnay ng magiging quarantine classification mula August 16 hanggang 31.

Nakatakda namang magtapos bukas, Agosto 18,  ang ipinairal na Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at Laguna.

Mababatid na una ng inanunsyo ng kalihim na malabong palawigin pa ang MECQ sa mga nasabing lugar dahil wala ng pondo ang pamahalaan para ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng lockdown.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.