NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 554 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa mga bagong kaso, 105 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Sa 2,077 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 453 (21.8%) ang okupado.
Mula Mayo 22 hanggang 28, 11,667 na bagong kaso ang naitala sa bansa.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,667 na mas mababa ng 6 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 15 hanggang 21.