DOH, nakapagtala ng mga bagong kaso ng Omicron subvariant sa Pilipinas

DOH, nakapagtala ng mga bagong kaso ng Omicron subvariant sa Pilipinas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga panibagong kaso ng Omicron subvariant sa bansa.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, 190 ang nadagdag na kaso ng mas nakahahawang BA.5 sa Pilipinas habang 34 pa sa BA.4, at isang bagong kaso sa BA2.12.1.

Sa 190 na bagong kaso ng BA.5, 175 na ang nakarekober, 7 ang sumasailalim sa isolation habang beneberipika pa ang status ng natitirang walong pasyente.

Sa 34 naman na BA.4 patients, 33 dito ay nakarekober na habang beneperipika pa ang outcome ng natitirang mga kaso.

Samantala, sinabi ni Vergeire na gumaling na rin ang isang pasyente mula Davao Region na nagpositibo sa BA.2.12.1.

Follow SMNI NEWS in Twitter