DOH, nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases sa isang araw pagkatapos ng halos 6 na buwan

DOH, nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases sa isang araw pagkatapos ng halos 6 na buwan

PAGKATAPOS ng halos anim na buwan, nakapagtala ulit ang bansa ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Ito ay matapos maitala ang 4, 439 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon araw ng Huwebes.

Dahil dito, umakyat na sa 34, 213 ang bagong active cases ng bansa.

Sa huling datos din ng Department of Health (DOH), lumabas na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob ng nakalipas na 14 na araw.

Ito’y matapos makapagtala ng 14, 879 na kaso ang NCR at sumunod ang CALABARZON na may 9,509 COVID-19 cases, pumangatlo ang Central Luzon at sumunod ang Central Visayas.

Samantala, inihayag naman ng DOH na hindi pa nila nakukuha ang target na bilang ng mga indibidwal na dapat mabakunahan kada araw sa ilalim ng kanilang PinasLakas Campaign.

Matatatandaan na ang PinasLakas Campaign ay inilunsad noong Hulyo 26 para mapataas sa 50 percent ang booster coverage ng bansa kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng naturang kampanya, target ng ahensiya na mabakunahan ang nasa 397,000 na mga indibidwal kada araw.

Pero sa datos mula sa DOH hanggang Agosto 2 ay nasa 364, 784 pa lamang ang nabakunahan ng booster shot.

BASAHIN: 23-M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

Follow SMNI News on Twitter