DOH, nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng BA2.12.1 at BA.4 subvariant

DOH, nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng BA2.12.1 at BA.4 subvariant

PUMALO na sa 139 ang kabuuang kaso ng COVID-19 Omicron BA2.12.1 subvariant sa Pilipinas.

Ito ay matapos magpositibo sa sakit ang tig-iisang indibidwal sa Regions 3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, Cordillera Administrative Region, Caraga at National Capital Region.

Sa media forum, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na 49 sa mga kaso ang tagged as recovered na habang biniberipika pa ang outcome ng natitirang tatlo, 26 naman aniya sa mga nagpositibo ang fully vaccinated na kontra COVID-19, 5 ang partially vaccinated habang biniberipika pa ang vaccination status ng natitirang 21 na kaso.

Sa ngayon, biniberipika pa ang exposure, travel histories at health status ng mga nagpositibo sa BA2.12.1.

Samantala, pumalo na sa 54 ang BA.4 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 42 na bagong kaso mula sa 10 indibidwal sa Region 12, 9 sa Region 11, 7 sa Region 6, tig-4 sa NCR at Region 5, 3 sa Region 4A at tig-isa sa CAR at BARMM at 3 returning overseas Filipino.

Sinabi ni Vergeire na nakarekober na ang 36 sa mga kaso, patuloy naman sumasailalim sa isolation ang 5 pa habang inaalam pa ang outcome ng natitira, 31 naman sa mga ito ang fully vaccinated habang inaalam pa ang vaccination status ng natitirang mga kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter