DOH-NCR naka-‘code white’ alert dahil sa Pista ng Itim na Nazareno

DOH-NCR naka-‘code white’ alert dahil sa Pista ng Itim na Nazareno

INIHAYAG ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) na naka-code white alert ngayon ang iba’t ibang ospital kasunod ng pagdiriwang ng Pista ng Nazareno.

Ibig sabihin nito ayon kay DOH-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria Balboa, nakaalerto ang mga ospital sa mga isusugod na pasyente.

Kasabay nito ang paalala sa mga pupunta ng pista na magsuot ng face mask at hinikayat ang mga may ubo, sipon at lagnat na huwag nang dumalo.

Sinabi naman nito na 24 oras nakatutok ang kanilang Health Emergency Management Unit Operations Center para sa mga emergency.

Kabilang dito ang Quirino Grandstand para sa pagdagsa ng mga tao doon.

Follow SMNI NEWS in Twitter