DOH officials, ipinauubaya na kay PBBM ang mga naging direktiba nito sa ahensiya

DOH officials, ipinauubaya na kay PBBM ang mga naging direktiba nito sa ahensiya

SI Pangulong Bongbong Marcos na ang bahalang mag-anunsyo kung ano ang maging direktiba nito sa kanila ayon ng Department of Health (DOH) officials.

Ayon kay Health Usec. Rosario Vergeire, hindi tamang tanungin ang Punong Ehekutibo kung bakit wala pa itong itinalagang kalihim ng DOH at aniya hintayin na lamang ito.

“It’s really inappropriate for us to ask the President why it’s taking long for him. Naiintindihan po natin ang proseso ng ating Presidente at ng kanilang mga opisyales doon na talagang mahirap talagang pumili ng ating mga opisyales dahil kailangan pong maging masusi ang pagpili kaya mas nagiging matagal pa. So we just wait,” saad ni Vergeire.

Para kay Vergerie, hindi tama na tanungin kung kailan balak maglagay ang Pangulo ng kalihim sa DOH gayong malinaw daw ang nakalagay sa kanilang Memoramdum Circular.

“It is also not expected from our President to explain to our officials from the DOH as to kung kailan siya magsasabi kung kailan siya mag-a-appoint dahil klaro naman po na meron siyang pinalabas, ang kanilang opisina na MC [memorandum circular], ‘yung circular number 1  kung saan nakalagay na doon kung ano ang dapat gawin ng bawat ahensiya saka-sakaling wala pa silang appointed official,” ani Vergeire.

Sa ilalim ng memorandum circular, ang mga next in rank at most senior official bilang Officer in Charge ang maaaring mag-takeover kung wala pang na-appoint sa mga nabakanteng pamunuan ng mga ahensiya.

Una nang sinabi ng DOH na ang lahat ng pamamahala sa COVID -9 o non-COVID response ay ipagpapatuloy sa pamamagitan ng mga DOH Officials na namumuno sa iba’t ibang tanggapan o opisina sa DOH.

Mananatili din aniya ang mga kasalukuyang programa ng DOH habang wala pang bagong kalihim ang departamento.

Sinabi ni Vergerie, nailatag na nila sa Pangulo ang kanilang mga rekomendasyon kung saan suportado naman daw ito nang Punong Ehekutibo.

Samantala, inanunsyo ng DOH na nanatiling sa low risk classification ang Pilipinas sa COVID-19 sa kabila ng mga pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Napag-alaman naman na ang COVID-19 situation sa bansa kasama ang vaccination coverage ng DOH at rekomendasyon para sa COVID-19 response ang natalakay sa pagpupulong ni Pangulong BBM kasama ang mga DOH official kamakailan.

Follow SMNI News on Twitter