TULAD noong nakaraang hearing, walang dadalo na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang ang Department of Health (DOH) officials sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon ngayong araw.
Walang plano si DOH Secretary Francisco Duque III na dumalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon ngayong araw na may kinalaman pa rin sa alegasyon ng mismanagement sa COVID-19 funds.
Ayon kay Duque, nag-abiso aniya ang Malakanyang hinggil sa memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa memorandum ng pangulo ay bawal ng dumalo ang mga pangunahing cabinet officials at maging ang empleyado sa mga proceedings o pagdinig ng Senate Blue Ribbon.
Ayon kay Duque, dadalo na lamang siya kung na-reverse o nabago na ang memorandum order ng presidente
Pinalala naman nito na bago pa ang memorandum ay present siya sa lahat ng mga nakaraang pagdinig.
Maliban kay Duque, ay walang sinumang representative o empleyado mula sa DOH ang dadalo sa hearing ngayon sa Senado.
BASAHIN: Opisyal ng Pharmally, tila ginagawang hostage sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon- Pharmally official