DOH Sec. Duque, kinukumpirma na kung dahil sa COVID-19 ang ikinamatay ng pasyenteng Amerikano

NANGANGALAP na ngayon ng impormasyon si Health Secretary Francisco Duque III kung kumpirmadong dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang pagkasawi ng isang pasyente.

Ayon kay Duque, kanya nang ipinag-utos ang pagkuha ng datos sa naturang balita kabilang na kung mayroon ba itong ibang sakit.

Aniya, batay sa pag-aaral, malaking porsyento ng nasasawi o nasawi sa naturang sakit ay may medical condition gaya ng highblood, diabetes at cancer.

Partikular naman na tinutukoy sa balitang nasawi sa COVID-19 ay ang Amerikano na naka-confine sa isang pribadong ospital sa Ortigas.

Sakali namang ito’y makumpirm, ito ang magiging ikalawang casualty ng COVID-19 sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.