DOH, walang nakikitang COVID-19 surge matapos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon

DOH, walang nakikitang COVID-19 surge matapos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon

PAWALA na ang COVID-19, ito ang naging pahayag ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagsasabi na wala silang nakikitang COVID-19 surge sa kabila ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon batay sa kanilang monitoring.

Ayon kay DOH Asec. Dr. Albert Francis Domingo, nasa 450 lamang ang average number ng mga bagong kaso ngayong linggo.

Aniya, ito ay 10 porsiyento na mas mababa kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 19-25, 2023.

At sa mga bagong kaso, 1.28 porsiyento lang ang mayroong seryosong kondisyon.

“From December 26, 2023 to January 1, 2024, we recorded 3,147 new cases in the country. The average number of new cases per day this week stood at 450, down 10 percent compared to cases from December 19 to 25. Of the new cases, only 40 (1.28%) were serious or critically ill,” ayon kay Asec. Albert Frances Domingo, DOH.

“Wala tayong surge o wave o correct term diyan, tumitingin tayo sa epidemiology curve….. Tinitingnan kung may pick o kung tumaas… Wala tayong nakikitang ganun. May nakikita tayong increase. Yes, pero we don’t think it as a wave or surge…” dagdag ni Asec. Domingo.

Ayon pa kay Domingo, maaring ang mababang kaso ng COVID-19 ay resulta ng pagsunod ng mga Pilipino sa mga paalala ng ahensiya para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Di ba sa pagsisimula ng handaan. Sinabi namin ang Ligtas Chrismas at mukhang nakinig ang ating mga kababayan…Dapat hindi sa kulob na lugar and mayroong good air flow and all that reminders. Our kababayan did listen to this and the output, mukhang talagang pababa na nang pababa ang kaso,” ani Domingo.

Paalala naman nito sa publiko na para sa tuluy-tuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 ay kailangan pa rin na ma-maintain ang public health standard gaya ng pagsusuot ng facemask kung kinakailangan, pananatili sa bahay kung may nararamdaman at iba pa.

“If we keep on doing that, hindi lang COVID-19 ang ating maiiwasan, maging ang mga influenza-illnesses, respiratory illnesses, ubo, at sipon, lahat ‘yan maiwasan natin ‘yan,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble