DOH-XI nanawagan sa mga Dabawenyo na magpabakuna 

DOH-XI nanawagan sa mga Dabawenyo na magpabakuna. Umapela ngayon sa mga Dabawenyo na magpabakuna upang matuldukan na ang paglaganap ng nakamamatay na virus na COVID-19.

Bukas araw ng biyernes ang vaccination roll out ng Sinovac Coronavac Vaccine mula china dito sa Davao City, kaya ang DOH-XI nanawagan sa pamunuan ng lungsod, huwag sayangin ang pagkakataon na magpabakuna sa mga susunod na bakunang darating. 

Simabi ni Davao City COVID-19 Vaccination Head , Dr. Josephine Villafuerte, na huwag sayangin ang pagkakataon at magpabakuna ang mga dabawenyo sa kanilang itinalagang schedule ng pagbabakuna upang matuldukan na ang paglaganap ng nakamamatay na sakit dahil ito lamang raw ang nakikitang solusyon sa kinakaharap na pandemya.

DOH-XI nanawagan
Davao City COVID-19 Vaccination Head , Dr. Josephine Villafuerte

Aniya maraming dabawenyo ang hindi pabor na mabakunahan kontra COVID-19 na galing sa gobyerno dahil sa tingin nila ay mas lalo silang magiging infected ng virus. 

Sinabi naman ni Villafuerte na ito lamang ang tanging solusyon upang matapos na ang pandemyang ito at kung hindi magpapabakuna ang mga mamamayan ay mas maghihirap at tataas ang kaso ng nakamamatay na virus. 

Inihayag niya rin na sa pamamagitan ng pagpapabakuna ay mas bababa at mas mapo-protektahan mula sa mild, moderate to severe na pagkaka-ospital at pagkamatay dahil sa virus ang tatanggap ng bakuna. 

Ayon rin sa kanya ay sigurado at dekalidad na bakuna ang matatangap ng mga dabawenyo dahil hindi ito isasapubliko ng Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at World Health Organization (WHO)  kung hindi ito ligtas.

Dagdag pa nito na hindi pa maibibigay sa mga Senior Citizens at mga may malalang sakit ang bakuna dahil hindi pa kumpleto ang clinical study ng sinovac vaccine.

Sinigurado naman ni Villafuerte na mabibigyan ang mga senior citizens ng bakuna galing sa ibang brand na nakakumpleto na  ng kanilang clinical trials.

SMNI NEWS