DOJ, BuCor nagpalaya ng mahigit 100 PDLs ilang araw bago ang Pasko

DOJ, BuCor nagpalaya ng mahigit 100 PDLs ilang araw bago ang Pasko

NAGPALAYA ng mahigit 100 na persons deprived of liberty (PDLs) o preso ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ilang araw bago ang Pasko.

Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang Jr, ilan sa mga ito ay nakalaya dahil sa piyansa, parole, acquittal, at iba pa.

Samantala sa datos naman mula Oktubre 28-hanggang ngayong araw, ay nasa mahigit 900 ang pinalaya ng ahensiya.

Habang mula naman noong Enero ng kasalukuyang taon hanggang ngayong araw ay nasa mahigit 5 libo na ang napalaya.

Simula naman aniya ang pag-upo ni Sec. Boying Remulla sa DOJ ay nasa 11,000 PDL na ang napalaya mula sa iba’t ibang koreksyunal sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter