DOJ, gustong papanagutin ang mga nasa likod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

DOJ, gustong papanagutin ang mga nasa likod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

NABUNYAG sa pagdinig ng Senado na nakalabas na ng bansa si Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kinumpirma naman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI).

Base daw sa record ng foreign counterparts, July 18 dumating sa Kuala Lumpur, Malaysia si Guo mula Denpasar, Indonesia.

July 21 dumating ito ng Singapore mula Kuala Lumpur.

August 18 ng dumating naman ito sa Batham, Indonesia galing Singapore sakay ng ferry boat.

‘‘Confirmed that Alice Leal Guo is out of the country based on our foreign counterparts’ immigration records,’’ ayon kay Dr. Winston Casio, Spokesperson, PAOCC.

Ayon sa BI, ilegal na nakalabas ng bansa si Guo dahil hindi aniya ito dumaan sa required procedures sa paliparan o maging sa seaports.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, si Guo na ang totoong pangalan ay Guo Huaping ay ilegal na nakabyahe papuntang Malaysia noon pang Hulyo.

Ilegal din itong nakaalis ng Malaysia at nakalipad papuntang Singapore kasama ang mga kapatid nito na sila Shiela Leal Guo at Wesley Leal Guo noong July 21.

Paglilinaw naman ni Tansingco na ang pag-alis ni Guo ay hindi naka-record sa centralized database ng BI kahit pa nga mayroong ILBO o lookout bulletin order na nakaisyu dito.

“So far we have not received any turnover or reports related to Guo from other agencies, including those manning our maritime borders,” ayon naman kay Norman Tansingco, Commissioner, BI.

Ang Department of Justice (DOJ), ipinag-utos na ang imbestigasyon kung paaano nakaalis ng bansa ang dating alkalde.

Mananagot daw ang sinumang tumulong o nakibahagi sa ilegal na pag-alis ni Guo.

Inutusan din niya si Tansingco na agad na magbigay ng report.

Binalaan nito ang mga BI officers na maaring kasabwat ng dating alkalde.

“As civil servants, we have sworn to the country our unwavering integrity, transparency and accountability in all our actions and decisions. Hence, I am issuing this final warning against erring BI personnel who may have had a participation in the escape of Guo despite strict restrictions imposed by our government, it’s either you come out and unveil the truth or wait until I personally get to the bottom of this where heads will roll and all hell will break loose,’’ pahayag ni Sec. Jesus Crispin Remulla, Department of Justice.

Nagbigay din ito ng warning sa kampo at mga legal counsel ni Guo na maaaring may kinalaman din sa kaniyang pag-alis.

‘‘In addition, we will also delve into the possibility that the camp or legal counsels of the embattled ex-mayor may have had a hand in her slippery exit from the Philippines so let me reiterate that as much as lawyers have an obligation to protect the interests of their clients, they also have a broader responsibility to uphold the Rule of Law and safeguard public interest,’’ dagdag pa ni Sec. Remulla.

Samantala, pinasusumite naman ng DOJ si Atty. Elmer Galicia, ang notario officer sa affidavit ni Alice Guo.

Matatandaan kasi nitong nakaraang linggo, nakapaghain pa ng kontra salaysay si Guo sa DOJ kalakip ang notary.

Sinasabing nakaharap ni Galicia si Guo noong August 14 sa kaniyang opisina sa Bulacan, para magpanotaryo pero una ng sinabi ng BI  na nakalabas na ng bansa ang dating akalde noon pang Hulyo.

Sa affidavit ni Galicia inaasahan ng mga prosecutor na isasalaysay nito ang mga nangyari ng makaharap nito ang dating alkalde at susuriin ito ng mga prosecutor.

‘‘It appears on August 14, 2024, 7pm ng gabi, noong dumating siya sa opisina, nandoon ‘yong isang Land Cruiser on board ang isang Alice Guo, at pumunta daw doon para magpa- notaryo, nagkausap sila ni Alice Guo, sa baba ng kaniyang opisina at nagpresenta ng driver’s license and he notarize the affidavit for the counter affidavit summited to DOJ for preliminary investigation,’’ ayon naman kay Atty. Sonny Ocampo, Provincial Prosecutor.

‘‘Kasi kami hearsay lang kami e, wala naman kami doon e, let’s him document whatever he wants to say and tingnan natin,’’ ayon kay Atty. Darwin Canete, Prosecutor.

Si Galicia, sinubukan namang mainterbyu ng media pero iwas sa pagkokomento o pagsagot sa mga tanong.

Inaasahan na bukas maisusumite ni Galicia ang kaniyang affidavit sa DOJ.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble