DOJ, handang imbestigahan ang umano’y smuggling ng asukal at baboy

DOJ, handang imbestigahan ang umano’y smuggling ng asukal at baboy

HANDA ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang umano’y sindikato ng asukal at baboy sa loob mismo ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ito ay makaraang sinabi ni Senador Imee Marcos na paiimbestigahan at bubuwagin niya ang pamamayagpag ng mga sindikato sa Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos nakaladkad ang Office of the President para palusutin ang binabalak na importasyon ng asukal.

Kaugnay nito ay pinuri din ng senadora si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong ibinasura ang planong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal kasabay ng hirit sa Pangulo na magsagawa ng rigodon sa matataas na opisyal ng DA.

Nabatid na mismong mga local producers ng asukal ang nagsumbong na kaya sumirit ng lagpas sa P100 ang kada kilo ng asukal ay dahil binabakuran ng mga manufacturers ang mga imported na asukal kaya hindi na ito umaabot sa mga consumers.

Kabilang o pangunahin aniya sa dapat maimbestigahan ay si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian pati iba pang mga opisyal ng ahensya sa isyu naman ng pagbawi nito sa importasyon ng mga processed animal protein mula sa Italy at iba pang bansa na kontaminado ng African swine fever.

Follow SMNI NEWS in Twitter