DOJ, naniniwalang hindi lalabas sa Pilipinas si Mayor Guo

DOJ, naniniwalang hindi lalabas sa Pilipinas si Mayor Guo

KUMIPYANSA ang Department of Justice (DOJ) na hindi magtatangkang umalis sa Pilipinas si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nahaharap ngayon sa reklamong kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Nicholas Ty na namumuno sa Inter-Agency Council Against Trafficking na bilang isang elected official ay kinakailangan kasi ng alkalde na makakuha muna ng travel authority bago payagang makalabas sa bansa.

Nauna diyan ay ipinatupad ang ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order para kina Mayor Guo, dating Technology and Resource Center Director General Dennis Cunanan at ng 12 pang mga respondents.

Lahat sila ay ini-uugnay sa ni-raid na POGO hub sa Bamban Tarlac at kabilang sa mga naunang nasampahan ng kasong qualified human trafficking.

Sa bisa ng ILBO ay inatasan ang Bureau of Immigration na bantayan ang bawat kilos ng mga ito at i-alerto ang mga kinauukulang otoridad sakaling may magtangkang aalis ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble