DOJ official, personal na pupunta sa Indonesia para sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso

DOJ official, personal na pupunta sa Indonesia para sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso

PERSONAL na pupunta si DOJ Usec. Raul Vasques sa Indonesia kaugnay sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso.

Ayon kay Vasques, maaring kasama niya si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla patungong Indonesia sa darating na Biyernes.

Pag-uusapan anila nila doon ang posibleng pagpapalipat na kay Veloso sa bansa.

“There is a letter from Indonesia asking a face to face audience between Secretary of Justice and the Minister for Human Rights and Corrections nila. The Secretary and I may go there this Friday and I think it will be about the details on the possible transfer we will have to discuss probably. I have already gotten my tickets… if it’s I’m gonna go with the Secretary, if he’s able to finish his urgent matters,” saad ni Usec. Raul Vasques—DOJ.

Aniya sa bahagi nila, mahalagang malaman kung kelan talaga nila mapapauwi sa bansa si Veloso.

Mas maganda aniya kung walang hihinging kondisyon ang Indonesian government sa Pilipinas.

“Kung may kundisyon sila titignan natin kung ano ‘yung magiging kundisyon na ilalagay nila kasi wala tayong tartado. We don’t have any treaty with Indonesia with respect to transfer of sentenced persons. ‘Pag may batas kasi, may agreement kayo, you are bound to honor ‘yung sentence nung origin country. So, kung ano man ‘yan ‘yung pag-serve ng pinag-usapan, pag-transfer ng sentenced persons. Sa kasong ito since pumapayag sila na ilipat sa atin ang person deprived of liberty na si Mary Jane at wala naman tayong death penalty, kasi effectively parang nawala na sa equation ‘yung death penalty, kasi once nandito sa atin hindi mangyayari ‘yung implementation ng death penalty. So ‘yun ang mga pag-uusapan,” paliwanag ni Vasques.

Umaasa ang DOJ official na bago ang Pasko ay mapapauwi na si Mary Jane.

“All of us are hoping na before Christmas. If it could be arranged na pagbalik namin nandyan na, ‘di ba mas maganda. I don’t know but it’s our embassy people in Indonesia who are discussing it. We were surprised in fact na meron silang sulat na ganyan na gusto nilang face to face. Kasi dati dati DFA lang naman, ng embassy natin na nakikipag-negotiate sa kanila,” ani Vasques.

Matatandaan na 14 na taon nang nakakulong si Mary Jane sa Veloso sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble