DOJ tiniyak ang deportasyon ni Teves mula sa Timor-Leste

DOJ tiniyak ang deportasyon ni Teves mula sa Timor-Leste

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na kanilang ipupursige ang deportasyon o ang pagpapauwi ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ito ang inihayag ni DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano.

Kasunod ito ng proseso ng korte sa Timor-Leste hinggil sa request ng Pilipinas na kostudiya ni Teves at pagpapauwi nito sa bansa na posibleng aabutin pa ng ilang linggo.

Una na ring sinabi ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na ang deportasyon na hiling ni Teves sa DOJ at National Bureau of Investigation na walang katuturan.

Si Teves ay nahaharap sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa siyam na iba pa noong Marso 4, 2023.

Pinaalis si Teves ng Kamara bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Oriental at idineklara bilang terorista ng Anti-Terrorism Council.

Follow SMNI NEWS on Twitter