NANGAKO at tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na gagawin nito ang lahat ng pamamaraan para tuluyan nang maipasara o mahinto na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa buong bansa.
Nauna diyan ay iniutos ni PBBM na dapat ay hanggang sa pagtatapos na lamang ng taon na ito ang operasyon ng mga POGO.
Tiniyak din ni Justice Secretary Crispin Remulla na ipatutupad nila ang kautusan pero hindi masasakripisyo ang mga karapatang pantao at umiiral na batas lalo na at karamihan sa mga POGO ay pinatatakbo o pinamamahalaan ng mga dayuhan.
Kaugnay niyan ay binalaan ng DOJ ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na posibleng umabuso at gamitin ang pagkakataon para mangikil o magkapera mula sa mga POGO.