DOJ, wala pang natatanggap na extradition request laban kay Pastor Apollo mula sa FBI

DOJ, wala pang natatanggap na extradition request laban kay Pastor Apollo mula sa FBI

WALA pang natatanggap na extradition request mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na wala pa silang natatanggap na extradition request mula sa FBI.

“We have not received any official communication from the U.S. government, extradition cannot be done motu proprio, especially if the subject is our own citizen. Any communication will be coursed thru diplomatic channels,” saad ni Secretary Guevarra.

Ang Pilipinas ay may extradition treaty sa Amerika kung saan maaring ipahuli ang isang indibidwal na nasa ibang bansa kung may nagawa man itong krimen sa Amerika.

Naniniwala Si Guevarra na alam ng FBI ang tamang proceso upang makuha ang jurisdiction kay Pastor Apollo.

Ang extradition request ay una aniyang dadaan sa Department of Foreign Affairs upang tiyakin na naaayon nga ito sa kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa bago i-indurso sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi din ni Guevarra na dadaan pa ito sa summary proceedings sa lokal na korte upang timbangin kung nararapat bang dinggin ang kaso ni Pastor Apollo sa ibang bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter