DOJ, walang matibay na ebidensiya na magtuturo kay Rep. Teves na “mastermind” sa Degamo murder—Legal Counsel

DOJ, walang matibay na ebidensiya na magtuturo kay Rep. Teves na “mastermind” sa Degamo murder—Legal Counsel

WALANG matibay na ebidensiyang hinahawakan ang Department of Justice (DOJ) laban kay suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr.

Ito ang inaasahan ng kampo ni Teves na makita ng panel ayon sa legal counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio mula sa magiging huling hearing ngayong Hulyo 17 para sa preliminary investigation ng Degamo murder.

Tiniyak muli ni Topacio na handang umuwi si Cong. Teves kung makikita niya na ang pagiging patas ng batas sa Pilipinas.

Matatandaang pormal nang binawi ng limang suspek sa Degamo murder case ang kanilang mga testimonya laban kay Teves Jr. sa harap ng DOJ.

Noong nakaraang linggo ay nauna na ring binawi ng limang iba pa ang kanilang mga testimonya.

Ayon sa kampo ni Cong. Teves, naniniwala sila na ang pagbawi nila sa kanilang salaysay ay magpapahina na sa kasong isinampa laban kay Teves bilang itinurong mastermind sa Degamo murder.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter