Doktor na nagbenta ng overpriced thermal scanners na mga donasyon, hinuli

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang medical doctor na si Dr. Cedric John de Castro.

Ito ay dahil sa umano’y pagbebenta ng doktor ng overpriced thermal scanners na nagkakahalaga ng P9,500 kada isa.

Sinasabing ang thermal scanners ay donasyon kay De Castro dahil sa kanyang pagiging chapter president ng Lions Club sa New Manila Quezon City.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), nagbebenta ang doktor ng kabuuang 150 pirasong thermal scanner sa halagang P1.2-Million.

Ang suggested retail price ng thermal scanners ay nagkakahalaga lang mula P800-P1,500.

Nakatakdang dalhin ngayong araw si De Castro sa Quezon City Prosecutor’s office para sa inquest proceedings kaugnay sa mga reklamong profiteering at hoarding.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.