DOLE at TESDA, palalawakin ang job access at skills training ng Pinoy workers

DOLE at TESDA, palalawakin ang job access at skills training ng Pinoy workers

PALALAKASIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang job access at skills training ng Pinoy workers.

Sa pamamagitan ng isang joint memorandum circular, gagawa ang dalawang ahensiya ng framework para sa career counseling, skills training, technical-vocational education, at job-matching services.

Naniniwala ang DOLE na masosolusyonan na nito ang skill mismatching, at magiging swak na rin ang mga Pilipino sa global workforce.

Mula rin dito ay magkakaroon na ng long-term, sustainable workforce development para sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble