DOLE, isinailalim sa lockdown matapos magpositibo ang 3 kawani nito

ISINAILALIM sa lockdown ang buong gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros sa Maynila.

Ito ang inihayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III matapos magpositibo ang tatlong sa mga kawani ng kagawaran.

Sinabi ni Bello na hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR test ng iba pang mga kawani ng DOLE habang negatibo naman ang kalihim sa naturang test.

Epektibo naman ang lockdown simula ngayong alas 2:00 ng hapon, Marso 17 at mananatili ito hanggang Marso 18, 2021.

Magpapatuloy ang operasyon ng DOLE para sa essential worker lamang sa Marso 19, 2021.

Sa Lunes, Marso 22, ay maaari nang pumasok ang lahat ng mga kawani ng nasabing ahensiya.

(BASAHIN: DOLE, naglaan ng P19-B financial assistance para sa local workers at OFWs)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.