MAGSASAGAWA ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga job fair sa buong bansa sa Mayo 1, 2025.
Bilang pagdiriwang na rin ito ng ika-123rd Labor Day upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Tugon na rin ng ahensiya ang naturang hakbang sa unemployment rate ng bansa.
Maliban sa job placement services, magbibigay din ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health ng kabuhayan at serbisyong pangkalusugan sa nasabing aktibidad.