DOLE, nag-turn over ng P1.7-M halaga ng bangka at kagamitan para sa mangingisda ng Muntinlupa

DOLE, nag-turn over ng P1.7-M halaga ng bangka at kagamitan para sa mangingisda ng Muntinlupa

NAGBIGAY ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamahalaan ng Muntinlupa City ng 8 fiberglass boat at kagamitan na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa mga mangingisda upang matulungan sila sa kanilang kabuhayan.

Pinangunahan nina DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavides, Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, at Rep. Jaime Fresnedi ang awarding ceremony sa Barangay Bayanan Baywalk.

Ang mga bangka at kagamitan ay itinurn-over sa Fisheries and Aquatic Resource Management Councils (FARMCs) sa mga barangay sa Muntinlupa bilang bahagi ng “Bangka Project” sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang “Bangka Project” ay isang inisyatiba ng Muntinlupa Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipag-ugnayan sa Lake Management Office (LMO) ng lungsod.

Samantala ang proyekto ay naglalayong tulungan ang mga FARMC na dagdagan ang kanilang pinagkukunan ng kita.

Ang paglikha ng mga FARMC sa mga barangay, lungsod, at munisipalidad ay ipinag-uutos sa ilalim ng Executive Order No. 240 na inilabas noong 1995 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

Follow SMNI News on Twitter