PERSONAL na pinangunahan ni Department of Labor and Employment II (DOLE) Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr., ang pag-abot kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 (BFAR-R02) Regional Director Angel Encarnacion ng tseke na nagkakahalaga ng PHP 8,985,250 bilang tulong sa mga mangingisda at magsasaka sa Batanes na lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian at Leon.
Makikinabang mula sa tulong-pangkabuhayan ang 11 asosasyon na binubuo ng 295 na manggagawa mula sa impormal na sektor na naapektuhan ang kabuhayan sa mga naganap na bagyo noong Oktubre at Nobyembre ng 2024.
Ang tulong-pangkabuhayan ay bahagi ng proyekto ng DOLE-BFAR na “Sustaining Batanes Through Fisheries and Livelihood Program.”
This article has been sourced from the Department of Labor and Employment – DOLE Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble