NAGSASAGAWA ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng job fair sa kanilang tanggapan sa Maynila ngayong araw, Dec. 6 kasabay ng kanilang 88th anniversary.
Bukod sa face-to-face ng naturang event, maaari ring lumahok sa ahensya via online at magtungo lamang sa kanilang virtual booths sa pamamagitan ng www.jobquest.ph.
Bukas ang naturang job fair ng DOLE simula 8:00am-4:00pm.
Samantala, bilang bahagi ng 88th founding anniversary, nagsagawa din ang DOLE ng bazaar na nilahukan ng mga accredited co-partners ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) na ginawa sa labas ng tanggapan ng DOLE-National Capital Region sa Lungsod ng Maynila.