DOLE, namahagi ng tulong-pangkabuhayan sa 25 FRs sa Apayao

DOLE, namahagi ng tulong-pangkabuhayan sa 25 FRs sa Apayao

AABOT sa 51 katao kabilang ang 25 dating rebelde o former rebel (FRs), mula sa San Isidro Luna Apayao ang nakatanggap ng livelihood assistance sa pamamagitan ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang nabanggit na tulong-pangkabuhayan ay nagkakahalaga ng aabot sa P328-K na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo para sa kanilang pangkabuhayan gaya ng sari-sari store, babuyan, snack vending at feeds retailing.

Ang naturang hakbang ng DOLE ay upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga maliliit na mga manggagawa.

Samantala, sa panig naman ng mga FRs, ito ang pamamaraan ng PTF-ELCAC Apayao na mabigyan ng sapat na pangkabuhayan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga FR sa natanggap na tulong-pangkabuhayan mula sa DOLE.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter