NANAWAGAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga beneficiary ng mga cash-aid program ng kagawaran, na siguraduhing hindi dapat magpapalit ng contact number ang mga ito.
Ang naturang panawagan ng DOLE ay kasunod sa mga hinaharap ng kagawaran na marami pa ring mga ayuda ang hindi natatanggap ng mga beneficiary.
Sa isang virtual presser ng DOLE ay sinabi ni Director Rolly Francia na aabot sa mahigit P300,000,000 ayuda ang hindi na nakuha ng mga beneficiary.
Isa sa mga naging dahilan nang binigay na ng DOLE ang code, para sa mga beneficiary ng cash-aid program na kukuha ng ayuda sa mga remittances center ay hindi nila natanggap dahil ang iba sa kanila ay nagpalit na ng contact number, yung numero na ginamit nila ay hindi mismo sila ang may-ari kundi pag-aari ng ibang tao o di kaya ay nagpalit din ang mga ito ng cellphone number.
Samantala, mahigpit na sinusunod ng kagawaran ang ang mga patakaran at regulasyon sa badyet, accounting at pag-audit ng pamahalaan sa paggamit ng mga pampublikong pondo.
Ayon kay Director Rolly Francia sinagot na rin ng DOLE sa harap ng Commission on Audit (COA) na walang pondo na nawawala sa naturang kagawaran, wala din aniyang sinasabing may over payment ang ahensya kaya naman nakuha nila ang “Unqualified” audit opinion, ang pinakamataas na audit rating COA para sa taong 2019 at 2020.
Nagpapatupad ang DOLE ng iba’t ibang mga programa at proyekto, kasama na ang COVID-19 programs sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Barangay ko, Bahay ko (TUPAD-BKBK), at Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP).
Para sa pagpapalabas ng tulong pinansyal, ang mga Regional Office ng DOLE (DOLE-ROs) ay gumagamit ng money remittance center o grants cash advances upang bayaran ang mga kwalipikadong benepisyaryo.
Mayroon ding Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang DOLE, upang abutin ang mga pangangailangan ng mga OFW kung saan nililipat din ng DOLE Central Office ang pondo sa POLO para sa mga gastusin ng operasyon.
Napapailalim din ito sa liquidation ng mga may pananagutan na opisyal.
‘’For the reported Of the P1.572 billion unliquidated cash advance as of 30 December 2020, has been reduced to P213.499-M or a settlement rate of 78%,’’ayon kay Francia.